Ito ay akma sa mga asignaturang Araling Panlipunan,
Filipino, Health Education, Arts Education, Edukasyon sa Pagpapakatao, Matematika at Mother Tongue.
Tuwing bakasyon abala na ang mga batang Cuyonon sa pamumulot ng kasoy. Ibinibenta nila ang kanilang mapulot na mga buto ng kasoy. Iba’t ibang produkto ang nagagawa mula sa kasoy. Ang ilang mga produkto ay dinadala sa ibang lugar upang ibenta. Ang mga turista na nagagawi sa isla ng Cuyo ay hindi uuwi nang walang nabibiling produkto mula sa kasoy. Dito umikot ang kwento ng batang si Mating.