Ito ay akma para sa mga asignaturang Filipino, Edukasyon sa Pagpapakatao, Matematika, Araling Panlipunan at Mother Tongue. Ang maikling animated story na ito ay umiikot sa uri ng pamumuhay ni Lolo Kaloy sa bukid. Inilalahad din ang iba’t ibang uri ng hayop at ang kanilang naitutulong kay Lolo Kaloy. Ito ay nagpapakita rin ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga hayop.