K to 12 Senior High School Core Curriculum – Pansariling Kaunlaran (Personal Development) Curriculum Guide

Curriculum Guide  |  PDF


Published on 2018 September 25th

Description
Curriculum Guide of K to 12 Senior High School Core Curriculum – Pansariling Kaunlaran (Personal Development) for Grade 11/12
Objective

Curriculum Information

K to 12
Grade 11, Grade 12
. Pagkilala sa Sarili sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata Pag-unlad sa Buong Katauhan Antas ng Pagunlad sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/ Pagbibinata Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga/ Pagbibinata Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi Pagdadalaga/ Pagbibinata Ang mga Kakayahan ng Isip Kalusugang Pangkaisipan at Kaayusang Pangkatauhan (Well-Being) sa Panahon ng Pagdadalaga/ Pagbibinata Talinong Pangemosyonal Personal na Pakikipag-ugnayan Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/ Pagbibinata Istraktura ng Pamilya at mga Kasaysayan Nito Ang Tao at ang Kurso Pagtahak ng Kurso Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad
Educators
Naipaliliwanag na ang pagkilala sa sarili ay isang paraan upang matanggap ang kanyang mga kalakasan at limitasyon at pagkakaroon ng mas maayos na pakikipagkapwa Naibabahagi ang kanilang natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan Nakagagawa ng dyornal ng pagkilala sa sarili Natatalakay ang kaugnayan ng pisyolohikal, kognitibo, sikolohikal, ispiritwal at panlipunang pagunlad tungo sa pag-unawa ng kanyang iniisip, nadarama at kinikilos Natataya ang sariling iniisip, nadarama, at kinikilos Naipakikita ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos sa isang kongkretong pangyayari sa buhay Natutukoy ang iba’t ibang inaasahang gawain (developmental task) ayon sa antas ng pag-unlad Natataya ang sariling pag-unlad sa pamamagitan nang paghahambing sa kaparehong gulang Naitatala ang mga paraan upang maging mapanagutan bilang nagdadalaga/nagbibinata at maging handa sa susunod na yugto ng buhay (adult life) Natatalakay ang mga hinaharap na hamon sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata upang mabigyang linaw at mapamahalaan ang mga pangyayaring kaakiibat ng pagiging tinedyer Naipapahayag ang saloobin sa mga inaasahan ng mga mahahalagang taong nakapaligid sa kanya (magulang, kapatid, kaibigan, guro, pinuno ng pamayanan) Nakakagagawa ng mga papuri/apirmasyon na nakatutulong upang siya ay maging kanais-nais at handa sa pagdadalaga/pagbibinata Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at mga pinagmumulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay Natutukoy ang mga pinagmumulan ng mga alalahanin at nailalarawan ang mga epekto nito sa buhay ng tao Naipakikita ang personal na paraan ng pagtugon sa mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay Natatalakay na ang pag-unawa sa kaliwa at kanang bahagi ng utak ay nakatutulong sa pag-unlad ng pagkatuto Nasusuri ang mind - mapping techniques na nararapat sa dalawang uri ng pagkatuto ng tao Nakagagawa ng plano upang mapaunlad ang pagkatuto, gamit ang mga gawain sa mind mapping Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto ng kalusugang pangkaisipan at sikolohikal na kaayusang pangkatauhan sa araw-araw na obserbasyon tungkol sa mga suliraning pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata Natutukoy ang mga sariling kahinaan Nakagagawa ng mind

map tungkol sa mga paraan upang magkaroon ng sikolohikal na kaayusang pangkatauhan Nakagagawa ng plano o upang manatili ang kalusugang pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata Natatalakay ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng emosyon na maaaring makatulong sa pagpapamalas ng mga nararamdaman Natutukoy ang mga positibo at negatibong emosyon at kung paano ito ipahinahahayag o itinatago Naipamamalas at nakagagawa ng paraan upang mapamahalaan ang iba’t ibang uri ng emosyon Natatalakay ang pag-unawa sa mga relasyon ng mga tinedyer kasama ang mga katanggap-tanggap at dikatanggap-tanggap na pagpapahayag ng pagkagusto/pagmamahal Naipahahayag ang sariling paraan ng pagpapahayag ng atraksyon, pagmamahal at komitment Natutukoy ang mga paraan upang maging mapanagutan sa isang relasyon Naitatangi ang iba’t ibang papel ng bawat indibidwal sa lipunan at kung paano nila naiimpluwensiyahan ang mga tao batay sa kanilang pamumuno o pagsunod Naikukumpara ang kanyang pananaw at kung paano siya nakikita ng iba Nakagagawa ng isang simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga pilipino (pamilya, paaralan, at pamayanan) Nasusuri ang istruktura ng sariling pamilya at ang uri ng pagmamahal na kanyang binibigay at tinatanggap na nakatutulong sa pag-unawa niya sa kanyang sarili Nakagagawa ng genogram at natutukoy ang mga pisikal, pansarili, at pag-uugali ng pamilya sa bawat henerasyon Nakagagawa ng plano upang ang bawat kasapi ng pamilya ay maging matatag at mahinahon sa bawat isa Naipaliliwanag nang masusi ang pag-unawa sa mga kosepto ng pagpili ng kurso at pagtakda ng layunin na makatutulong sa pagpaplano ng kurso, trabaho o bokasyon Natutukoy ang mga personal na salik na makaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso, trabaho o bokasyon Natataya ang sariling personalidad at mga personal na salik na may kinalaman sa personal na layunin sa buhay Natatalakay ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso na makatutulong sa pagpili ng kurso Natutukoy ang mga nakaayon at di-nakaayong kursong pagpipilian sa gabay ng magulang, guro o tagapayo Nakagagawa ng plano tungkol sa kursong nais batay sa personal na layunin at mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso

Copyright Information

Yes
Department of Education
Use, Copy, Print

Technical Information

356.09 KB
application/pdf