Ito ay binubuo ng 40 bahagi o Content Focus base sa 2017 Kindergarten Teacher's Guide ng DepEd. Karamihan sa mga pahina ng mga gawain ay nangangailangan ng kasanayan sa pagkulay sapagka’t nilalayon nito na mahubog ang pagkamalikhain ng mga bata. Ang pagkukulay ng mga larawan ay makakatulong din upang maging masaya ang mga bata lalo na sa mga unang araw nila sa paaralan. Bukod dito, ang pagkukulay ay makakatulong sa paghubog ng kanilang fine motor skills.
Upang mas mapaigting ang kanilang pagiging malikhain, maaaring magbigay ang guro ng modelo o mungkahi sa mga dapat gamiting kulay sa simula ng pag-aaral ngunit hayaan sila sa mga susunod na pagkakataon na magdesisyon kung ano ang nais nilang gamiting pangkulay. Sa pamamagitan nito, matututo ang mga batang gumawa ng sariling desisyon o maging independent.
Karamihan din sa mga gawain dito ay nagpapaigting ng mga pagpapahalagang pang-Filipino o Filipino values at mga pangkalahatang pagpapahalaga gaya ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan, ng tamang ugali at desisyon. Inaasahang magsisikap ang mga mag-aaral na sagutan ang mga pagsasanay nang walang tulong upang malaman ang kanilang mga saloobin. Gayunpaman, may ilang pagsasanay din na nangangailangan ng tulong ng magulang o guro, lalo na ang mga bahagi ng pagsusulat. Upang masiguro ang masaya at makabuluhang pagkatuto, dapat siguraduhin ng mga guro na naintindihan ng mga bata ang panuto bago nila sagutan ang mga gawain.
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Kindergarten
Learning Area
Kindergarten
Content/Topic
character and values development - social emotional development
creative and aesthetic development
cognitive and intellectual development
B. KAGANDAHANG ASAL (KA) : Pagpapahalaga sa Sarili (PS)
C. KALUSUGANG PISIKAL AT PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG MOTOR (KP) : Kasanayang “Fine Motor” (FM)
E. Mathematics (M) : Number and Number Sense (NNS)
Intended Users
Educators, Learners
Competencies
Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan ( pagpilas/paggupit/pagdikit ng papel )
Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan (pagbakat, pagkopya ng larawan, hugis, at titik)
Copyright Information
Developer
TIFFANY CORTAS (tiffany.cortas@deped.gov.ph) -
Commonwealth ES,
Quezon City,
NCR