Curriculum Guide of K to 12 Secondary – Grade 11 or 12
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 11, Grade 12
Learning Area
Content/Topic
. Pagkilala sa Sarili sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata
Antas ng Pagunlad sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/ Pagbibinata
Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga/ Pagbibinata
Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi Pagdadalaga/ Pagbibinata
Kalusugang Pangkaisipan at Kaayusang Pangkatauhan (Well-Being) sa Panahon ng Pagdadalaga/ Pagbibinata
Talinong Pangemosyonal
Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/ Pagbibinata
Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad
Intended Users
Educators
Competencies
Naipaliliwanag na ang pagkilala sa sarili ay isang paraan upang matanggap ang kanyang mga kalakasan at limitasyon at pagkakaroon ng mas maayos na pakikipagkapwa
Naibabahagi ang kanilang natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan
Nakagagawa ng dyornal ng pagkilala sa sarili
Natutukoy ang iba’t ibang inaasahang gawain (developmental task) ayon sa antas ng pag-unlad
Natataya ang sariling pag-unlad sa pamamagitan nang paghahambing sa kaparehong gulang
Naitatala ang mga paraan upang maging mapanagutan bilang nagdadalaga/nagbibinata at maging handa sa susunod na yugto ng buhay (adult life)
Natatalakay ang mga hinaharap na hamon sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata upang mabigyang linaw at mapamahalaan ang mga pangyayaring kaakiibat ng pagiging tinedyer
Naipapahayag ang saloobin sa mga inaasahan ng mga mahahalagang taong nakapaligid sa kanya (magulang, kapatid, kaibigan, guro, pinuno ng pamayanan)
Nakakagagawa ng mga papuri/apirmasyon na nakatutulong upang siya ay maging kanais-nais at handa sa pagdadalaga/pagbibinata
Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at mga pinagmumulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay
Natutukoy ang mga pinagmumulan ng mga alalahanin at nailalarawan ang mga epekto nito sa buhay ng tao
Naipakikita ang personal na paraan ng pagtugon sa mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay
Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto ng kalusugang pangkaisipan at sikolohikal na kaayusang pangkatauhan sa araw-araw na obserbasyon tungkol sa mga suliraning pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata
Natutukoy ang mga sariling kahinaan
Nakagagawa ng mind
map tungkol sa mga paraan upang magkaroon ng sikolohikal na kaayusang pangkatauhan
Nakagagawa ng plano o upang manatili ang kalusugang pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata
Natatalakay ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng emosyon na maaaring makatulong sa pagpapamalas ng mga nararamdaman
Natutukoy ang mga positibo at negatibong emosyon at kung paano ito ipahinahahayag o itinatago
Naipamamalas at nakagagawa ng paraan upang mapamahalaan ang iba’t ibang uri ng emosyon
Naitatangi ang iba’t ibang papel ng bawat indibidwal sa lipunan at kung paano nila naiimpluwensiyahan ang mga tao batay sa kanilang pamumuno o pagsunod
Naikukumpara ang kanyang pananaw at kung paano siya nakikita ng iba
Nakagagawa ng isang simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga pilipino (pamilya, paaralan, at pamayanan)
Naipaliliwanag ang mga salik sa personal at pansariling pag-unlad na magiging gabay sa paggawa ng mahalagang pasya sa pagpili ng kurso
Naibabahagi ang mga sariling pananaw na makapaglilinaw ng kahalagahan ng personal at pansariling pag-unlad sa paggawa ng pasya tungkol sa nais na kurso
Nakagagawa ng malikhaing paglalarawan sa kanyang personal o pansariling pag-unlad mula sa mga pinagdaanang pagsuri ng iba’t ibang antas ng pagbabago, impluwensiya at paggawa ng pasya at personal na pagsusuri ng sarili